Salbaheng ate inutas ni bunso sa burol ng ina

ISINAMA ng kapatid na lalaki sa hukay ang kanyang nakatatandang kapatid na babae nang paslangin sa harap mismo ng burol ng kanilang ina sa Monfort Avenue Passi City Iloilo,  sa ulat na nakarating sa Camp Crame.

Base sa ulat , pinagsasaksak  hanggang sa mapatay ni Jesse Buenaventura ang kapatid niyang babae na si Rosalia Copla sa harap mismo ng pinaglalamayang bangkay ng kanilang ina sa loob ng kanilang tahanan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nagtanim umano ng matinding galit ang suspek laban sa kanyang kapatid dahil sa pagiging demanding o palautos nito.

Masyado rin umanong kinakawawa ng biktima ang kanilang nakababatang kapatid at sinasabing nadagdagan pa ang kanyang galit sa tila pagbabanta ng babae sa kanya oras na mailibing na ang kanilang ina.

Dahil dito, bigla umanong nagdilim ang paningin ng suspek kaya kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang kapatid hanggang bawian ng buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply