Saludar bros sasabak sa China boxing event

SASABAK sina Asian Games flyweight gold medalist Rey Saludar at light flyweight bronze medalist Victorio sa Philippine team na lalahok sa China Open boxing tournament sa Guiyang.

Kasma rin sa squad sina featherweight Ricky Dulay at brothers Orlando Tacuyan (lightweight) at Rolando Tacuyan (light welterweight) gayundin si female boxer Annalisa Cruz.

Ayon kay Amateur Boxing Association of the Philippines executive director Ed Picson, si strength and conditioning coach Pio Solon ang siyang gumabagay sa paghahanda ng mga nabanggit na boxers sa kanilang paglaban sa China.

Si Solon ang nagsasanay sa mga top pro boxers na sina Rey “Boom Boom” Bautista, AJ “Bazooka” Banal, Donnie Nietes, OPBF flyweight champion Rocky Fuentes at iba.

Ayon kay Picson, kasama sana si Gerson Nietes sa laban ngunit nagkaroon ito ng injury dahilan upang mapaatas ito.

Kinumpirma rin ito ni Glen Donaire, nakababatang kapatid ni WBC/WBO champion Nonito Donaire nang mag-sparring ang mga ito sa national team stint sa California.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply