Salvage victim utas sa 8 saksak sa Kyusi

BINAUNAN ng walong saksak bago inabandona sa kalsada ang isang salvage victim kahapon sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Inilarawan ang biktima na nasa 17-19 anyos, 5’4, medium built, nakasuot ng puting t-shirt at itim na pantalon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Modestino Juanson ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay dakong 5:00 ng umaga sa kanto ng AFP Road at Corrigidor St. sa Barangay Holy Spirit, nabanggit na lungsod.

Sa salaysay ng tricycle driver, ipaparada sana niya sa naturang kanto ang kanyang sasakyan nang mapansin ang nakahandusay na lalaki sa kalsada.

Hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon at agad na ipinaalam sa pulisya ang krimen.

Lumalabas na limang saksak sa likod, dalawa sa kanang braso at isa dibdib ang ikinamatay ng biktima.

Hinala ng QCPD na posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon sa nasabing lugar para iligaw ang awtoridad sa imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply