Sam Pinto kapalit ni Juday

DATI, noong nasa TV 5 pa si Sam Pinto at ka-join sa cast ng “Midnight DJ” na pinagbibidahan ni Oyo Sotto ay so-so lang ang kanyang dating sa showbiz.

Pero magmula ng hawakan siya nina Ms. Claire dela Fuente at Boss Vic del Rosario,  naging bonggacious na ang career ng nasabing newcomer na aktres. Maliban sa kanyang dalawang regular shows sa GMA-7 na “Captain Barbel” at “Spooky Nights,” di rin nawawalan ng movie project si Sam at malapit na nga nitong umpisahan ang latest project sa Viva Films na “Sa Ngalan Ng Pag-ibig” kung saan siya ang gaganap na leading-leady ni Cesar Montano.

Kasama rin nila sa pelikulang ito si Robin Padilla.

Nagamit talaga ni Sam ang kanyang kagandahan at sosing dating sa showbiz dahil in-demand na rin siya ngayon sa paggawa ng tv commercials. Aside sa kanyang ini-endorsong San Mig Light ay siya lang naman ang ipinalit ng Fitrum kay Judy Ann Santos.

Ang taray di ba naman?

***

Bonggang bukol ikinawindang ni balbonic aktor

CHIKA pa ng mga sosyalerang punong bantay namin sa showbiz na sina Viveng Vukengkeng at Vivig Vagah, sa isang pictorial session na dinaluhan recently lang ng BFF nilang stylist, nagpatalbugan raw sa palakihan ng bukol ang dalawang hunk actors na parehong nakakontrata sa isang sikat na TV network.

Very confident si hunk actor A dahil kung palakihan lang naman daw ng equipment ang labanan, aba’y panalo siya sa aspetong ito.

Eh, si hunk actor B punung-puno nga raw ng balbon ang katawan pero pagdating naman sa kanyang pagkalalaki ay Reggie regalado (regular) lang ito.

Kaya, nang mag-umpisa na ang nasabing pictorial para sa ini-endorso nilang underwear, sa sobrang insecurity ni actor B dahil mas sight ang namumukol niyang balls kaysa sa kanyang notes, bigla raw itong nag-excuse sa staff at photographer sabay go sa loob ng CR at pinatelag lang naman nito ang kanyang nota at saksi roon ang kanyang alalay na join lalu sa kanya sa CR.

Kaya paglabas niya, very active nang talaga ang kanyang kargada kaya  pareho na silang pinagpantasyahan ng mga baklitang present sa pictorial.

Clue, naging part ng “Imortal” at “Noah” ng Dos ang mga nabanggit na hunk actors. ‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply