Samantila, Israelito kampeon sa Bangkal Kiddies Chess

PINAGHARIAN nina Daryl Unix Samantila ng Tonsuya, Malabon City at Israelito Rilloraza ng Parañaque ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na 1st Bangkal Kiddies Age-Group Chess Tournament na ginanap sa Bangkal Elementary School sa Makati City nitong Linggo.

Ang 11-anyos na si Samantila, top player ni Adamson University head coach Christopher Rodriguez ay nakalikom ng 4.5 puntos sa limang laro para maiuwi ang 14 Under Kiddies category title.

Si Samantila na kakatawanin ang Pilipinas para sa Asian  Youth Championship  sa Subic sa Mayo 14-22 at Asean+ Age Group Chess Championship sa Takaran, Indonesia sa Hunyo 11 hanggang 20 ay masisilayan muna sa 2011 Palarong Pambansa sa Dapitan, Zamboanga del Norte sa Mayo 8 hanggang 14 bilang pambato ng National Capital Region (NCR) Elementary woodpushers.

Tumapos naman sa ika-2 puwesto si Michelle Yaon ng Calamba, Laguna na may 4 na puntos habang nakuha naman ni Angelo Manansala ng Quezon City ang ika-3 puwesto na may 3.5 puntos.

Sa katunayan, nanaig si Manansala sa tie break points kontra sa kapwa 3.5 pointers na kinabibilangan nina Mary Joyce Fuerte ng Pangasinan, Juan Carlo Presente ng Caloocan City at Bryan Palasique ng Makati City.

Kampeon naman sa 10 Under Kiddies category si Israelito matapos daigin sa tie break points si fellow 5.5 pointers Joshua Tan ng Makati.

Magkasalo sa ika-3 hanggang ika-7 puwesto na may tig 4 na puntos ay sina Stephen Rome Pangilinan, Francelouis Changco, Francis Parro, Andrew Sopungco at 5 years old John Michael Castillo na tinanghal naman youngest participant. Si national arbiter NAPCA head Boyet Tardecilla ang nangasiwa sa nasabing chessfest kasama ang assistant arbiters gaya nina Ferdie Reyes at Rey Yaon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply