Samar, Leyte, binabayo ni Bebeng

PATULOY ang pagbayo ng bagyong Bebeng sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

Nagsimula ang pag-uulan kahapon hanggang sa kasalukuyan, Mayo 7, na may kasamang malakas na hangin.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), may taglay itong lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at mabagal ang pagkilos nito na umaabot lamang ng 13 kilometro kada oras.

Patuloy na minomonitor ng mga lokal na opisyal ang kani-kanilang mga bayan lalong-lalo na ang mga landslide prone na lugar.

Nabatid na sa Tacloban ay pinalikas na ang ibang mga residente na nakatira sa mga bundok partikular sa Barangay Upper Nula-Nula.

“Mas mabuti na ito para sigurado. Unti-unti na rin kasi bumaba ang lupa sa bundok dahil sa walang tigil na ulan,” pahayag ni Jun Enoviso sa isang panayam ng Remate.ph, residente sa naturang lugar.

Inaasahan naming lilipat sa Bicol region ang naturang bagyo bukas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply