San Diego nanalasa sa Asian Youth Chess Championship

PATULOY ang pagratsada ni Marie Antoinette San Diego sa  girls 12 years old and under category sa 2011 Asian Youth chess championships sa Subic Bay Travelers Hotel sa Subic Freeport sa Olongapo City.

Si San Diego, na kumuha ng gold medal sa ASEAN Primary Schools  Sports Olympiad ( APSSO)  sa Jakarta, Indonesia nitong November,  ay hiniya si third seed Sagar Tejaswini ng India sa sixth round tungo sa total 5.5 points mula sa five wins at one draw sa prestigious, nine-round  competition hosted ng National ChessFederation of the Philippines (NCFP) sa gabay ni president/ chairman Prospero “Butch” Pichay Jr..

Ang  multi-awarded campaigner mula Dasmarinas, Cavite, na nahasa ang kanyang talino sa Milo-Checkmate program ni  Mila Emperado ay half a point ahead   kay two-time world under-8 champion Maria Ivana Furtado ng India na may nalalabing tatlo pang laro.

Isa pang  Filipina campaigner, na si Samantha Glo Revitang Rosales, Pangasinan ay tabla kay Nilufar  Yagubbayeva  ng Uzbekistan  para makisalo sa third hanggang seventh places na may four points.

Nagpakitang gilas din sina  Mikee Charlenbe Suede ng Makati , Cheradee Chardine Camacho ng Aringay, La Union, at Jan Jodilyn Fronda ng Manila, matapos manalo sa kani-kanilang katunggali sa girls 18 under category.

Giniba ni Suede si top seed  Nguyen Thi Mai Hung ng Vietnam, pinisak ni Camacho si Liu Hongyan ng China at nangibabaw si  Fronda kay Vo Thi Kim Pung ng Vietnam para mapanatili ang kanilang tsansa na may four points sa six rounds.

Ang tatlong Filipina players ay nakabuntot sa frontrunner  na sina Rucha Pujari ng India  (5.5 points) at  Hoang Thi Nu ng Vietnam ( 4.5).

Nakatutok din sa medal ay si  Chery Ann Mejia ng Pangasinan na hiniya si top seed  Bodda Pratyusha ng India tungo sa solo second place na may 4.5 points.

Si Mejia ay nasa likod ni P.V. Nandhidhaa ng India, na may perfect score  six points.
Tabla naman si Top seed  Jan Emmanuel Garcia ng Manila kay  Nima Javanbakht ng India para bumagsak sa solo second place sa boys 16 under na may five points, half a point behind kay Antonio Viani  D’ Cunha ng india.

Nanaig naman si Dennis Gutierrez  III  ng Pangasinan kay Erdene  Baasansuren ng Mongolia para sa second place sa boys 8 under na may  4.5 points nasa likuran ni lider Arawind  Ram ng India na may six points.

Ang iba pang  Filipino campaigners ay struggle sa medal  sa week-long event,  tampok ang 287 players mula sa 20 countries.

Tabla si Haridas Pascua ng Pangasinan kay Jahongir Vakhidov ng Uzbekistan at tabla din si Alcon John Datu ng Quezon City kay Liu Guanchu ng China sa boys 18 under na may 3.5 points out of a posisble six.

Ang dalawa ay magkasalo sa sixth hanggang ninth places sa 20-player field na dinomina ng Indian players  an sina IM Das Debashis at  G.A., Stany.
Giniba ni Mc Dominique Laguna  ng Nueva Ecija si Zhokhar Uulu Zhanbai ng Kyrgyzstan tungo sa pagsalo sa eighth  hanggang ninth places na may  3.5 points sa boys 16 under.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply