Sariling amo pinagkakitaan: Staff ng mambabatas yumaman matapos ang 2010 election

ALAM ba ninyo na isang staff ng mambabatas ang yumaman o dumami ang pera matapos ang nakalipas na 2010 election dahil sa pinagkakitaan nito ang mismong sariling amo at  mukhang hindi ito alam ni sir, ha!

Sa nakalipas na halalan, ang naturang staff ang in-charge sa pananalapi ng mambabatas.

Ang ginawa niya ay bumibili siya ng mga card para sa load ng mga staff at dito ay kita na siya agad dahil sa kanyang negosyong loading station.

Bukod dito maging ang inaarkila o ginamit na sasakyan ng mga staff at mga supporter ng mambabatas ay kanya ring pinagkakitaan.

Mantakin ninyo na sa bawat sasakyan ay mayroon siyang porsyento.

Ang masakit, tatlo yata sa naturang sasakyan na regular na ginamit noong kampanya ay pag-aari niya at ng umano’y karelasyon niya.

Kuwento tuloy sa matang kuwago ng Remate ng isa sa mga umalis na staff ng solon, akala mo nga ay totoong tapat at pinamamahalaan ni staff ang pera ni sir, yun pala ay nagpapanggap lang ito dahil mayroon  palang masamang hangarin.

Pati umano pagtulong ni sir sa mga taong nangangailangan ay ikinagagalit ng naturang staff gayong hindi naman sa kanya galing ang naturang pera.

Nabatid na nakasimangot at masama ang loob nito sa tuwing siya ang magbibigay ng tulong ni sir sa sinomang gustong tulungan ng mambabatas.

Maging ang ina-advance na pananalapi ng ibang staff para sa kanilang gastusin sa lakad na papabor kay sir at kasama si sir ay kinagagalit ng naturang staff kahit pa ito ay subject for liquidation.

Masama umano talaga ang pag-uugali ng staff sa kabila ng kanyang kulay puting kutis at hindi kalakihan na katawan.

Maging ang ibang benepisyo sa ibang staff ng mambabatas ay ayaw pa niyang ibigay minsan na akala mo ay galing sa kanyang bulsa ang naturang salapi at utang na loob ng kanyang kapwa staff ang ibinibigay niyang pera, sahod at benepisyo sa mga ito gayong trabaho niya ito bilang bahagi ng finance department ng senador.

Malupit din kung magsalita ang staff na ito na animo’y siya ang asawa ng solon o Chief Of Staff sa tanggapan ni sir.

Mareklamo din ang naturang staff sa mga ginagastos ng kanyang amo gayong panay naman ang sipsip kay madam na asawa ni sir.

Ang naturang staff ay naging kontrobersyal dahil naging masalimuot ang pagkamatay ng isa sa kanyang mga mahal sa buhay na may anggulo pang love triangle.

Samantalang ang mambabatas na amo nito ay may letrang N sa kabuuan ng kanyang pangalan.
Kaya ikaw Aling Coring magsipag at magtiyaga sa pagbabasa ng Remate blind item.

At sir tingnan ang bank account ni staff baka dumoble agad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply