Sawain si Jake Cuenca!

MATAGAL na naming buking na on-the-rocks na ang relasyong Jake Cuenca at Melissa Ricks. Pinakiusapan lang kami ng isang malapit kay Jake na huwag munang isulat ito, baka nga raw magkaayos pa ang dalawa.

Aminado naman si Jake sa recent guesting nito sa “The Buzz” na may instances na nagkakatampuhan sila ni Melissa at ayon sa aktor, normal lang daw yon sa isang magkarelasyon.

But as the saying goes, “Ladies first…,” si Melissa na rin ang nag-spill the beans sa tunay nilang relasyon ni Jake no’ng magpa-interbyu siya sa latest launch ng kaniyang endorsement na break na raw sila ng aktor.

Although hindi nagsalita ang girl on why the relationship went pffft, ang nababasa naman sa kaniyang Tweet ay malinaw na si Jake ang pinapatutsadahan nito no’ng sabihin nitong nagkulang sa panahon ang aktor sa dalaga.

“‘Yun na nga, lately ay naging demanding si Melissa, sa mga pagkukulang ni Jake. Tila wala na nga raw itong panahon sa kaniya (Melissa), at hindi ganito ang pananaw ni Melissa sa isang relasyon. Bukod sa tawag o text, ano ba naman yong dalawin niya minsan ang nililiyag?

On Jake’s camp, ang sabi’y,”Naging busy lang si Jake dahil sa ‘Green Rose.'” Naging  demanding ang teyping ni Jake dahil sa nalalapit nang pagtatapos nito. (Nag-end na po kast Friday. – Ed) “Ayon sa tsika  sa amin, hindi siguro naging understanding si Melissa. Hindi niya naisip na gaya niya, ‘pag may seryeng nagtatapos lalo na’t mga highlights ang kinukunan, kahit sinong artista, nais nitong mapag-isa.

“Maybe, na-wrong timing lang ang paghahanap ni Melissa ng panahon kay Jake. Hindi kami kampi kay Melissa, pero kung talagang mahal siya ni Jake, mapaglalaanan nito ng kahit na konting panahon.

“Hindi ba’t may kasabihan na, ” Kapag gusto, may paraan. ‘Pag ayaw, maraming dahilan?” (KoraK!!! – Ed)

***

MUKHANG nakakuha ng kakampi ang Kapamilya in the person of Kim Federico with email add <kim.federico13@yahoo.com> at  nais daw nitong i-share ang isang article na nabasa nito sa <tvnetworkwar.com> kung saan ay pinipintas-pintsan diumano ng Kapuso ang pelikulang gawa ng Star Cinema, ang “In The Name of Love” nina Aga MUhlach at Angel Locsin.

“Sana bago sila mgcriticized eh gumawa muna sila ng mga movies na talagang pinapanood ng mga tao….eh hindi kaya nakakahiya na mag-criticized sila, ni wala nga silang blockbuster movie for the past years….Eh ang STAR CINEMA…sunod-sunod ang blockbuster hits….HINDI KAYA INGGIT LANG YAN OR HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN SILA MAKA-MOVE ON SA PAGLIPAT NI ANGEL LOCSIN …..nagtatanong lang…..

“Ano ba yan mga Kapuso….bagsak na nga ang PRIMETIME LINE UP NYO…NAKUKUHA NINYO PANG Mag-CRITICIZE NG IBA…HALA GAWA  MUNA KAYO NG MGA MOVIES NINYO HA……….sana lang kumita yung TEMPTATION ISLAND ninyo …dahil kung hindi isang malaking hagalpak talaga …..malaking tawa…….sus, mga Kapuso…tantanan ninyo na ang mga SIMPLE NINYONG BANAT SA ABS-CBN 2…..

“Magtrabaho na lang sana kayo ng maayos ……….” pagtatapos ni Kim.

***

MULI na namang paparangalan ng Tambayang 101.9 ang mga natatanging Pinoy artists sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay sa Original Pinoy Music sa gaganaping Tambayan OPM Awards (TOPMA), ngayong Sabado, sa SM City North EDSA Skydome.

Nangunguna sa listahan ng mga nominado ang PGT grand winner na si Jovit Baldivino, na may apat na nominasyon kasama ang prestigious Album of the Year Award kung saan makakalaban niya ang Siakol, si Christian Bautista, Yeng Constantino at Juris na pare-parehong may tatlong nominasyon.

Magtatagisan naman ng galing sina Bugoy Drilon, Piolo Pascual at Jovit Baldivino  para sa Male Artist of the Year award.

Sina Yeng Constantino, KC Concepcion, Juris at Toni Gonzaga naman ay maglalaban sa Female Artist of the Year award.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply