S’Bayan: Garcia plunder case, talagang mahina

IBINASE lamang ng anti-graft court ng Sandiganbayan ang desisyon nito hinggil sa plea bargain agreement kay dating military comptroller Carlos Garcia mula sa mga impormasyong ibingay ng Office of the Special Prosecution ng Ombudsman.

Ito ang naging tugon ng Sandiganbayan Legal Division chief Atty. Mary Ruth Ferrer bilang pagdepensa sa mga batikos ng ilang mambabatas na naghayag ng kanilang pagdisgusto sa ginawang pag-apruba ng korte sa resolusyon ukol sa kasunduan sa pagitan ni Garcia at Tanggapan ng Ombudsman.

Ayon kay Ferrer, hindi maaaring sisihin ng hukuman kung ito may ay maglalabas ng “unpopular resolutions.”

Aniya, dapat intindihin ng mga ito na nakatali ang korte sa impormasyon at ebidensya na isinusumite sa kanila dahil doon sila nagbabase ng desisyon.

“Ang nagpahina po talaga sa plunder (case ni Garcia) ay ang pag-amin mismo ng prosekusyon na mahina ang kaso,” giit ni Ferrer

Kabilang sa mga hanay ng mga mambabatas na hayagang pumunta sa nasabing desisyon sa plea bargain kay Garcia ay si First District-Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, senior vice chairman ng House committee on justice.

Napansin ni Fariñas ang kawalan ng consent ng estado sa plea bargain agreement kay Garcia bago payagan ang pakikipagkasundo kapalit ang pagpapabalik ng ilang bahagi ng umano’y kinulimbat na salapi para mapagaan ang kaso at mapalaya ito sa pamamgitan ng piyansa.

Naging kondisyon sa nasabing kasunduan ang pagbalik ng P135 milyon mula sa P303 milyon na umano’y ninakaw ni Garcia mula sa kaban ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Mula sa plunder case na isinampa ng Office of the Ombudsman sa ilalim ng pamumuno ni dating Ombudsman Simeon Marcelo laban kay Garcia, ibinaba ang piyansa sa P60,000 nang pumasok sa nabanggit na kasunduan si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply