Scorpions at JR Tigers matira ang matibay

MAGSASARA ngayong hapon ang classification stage ng PBA Developmental  League Foundation Cup na mahalaga sa Cobra Energy Drink na naghahangad na masungkit ang quarterfinals slot sa pakikipagharap nila sa Cebuana Lhullier Gems.

Kapwa tangan ng Ironman ni Coach Lawrence Chongson at Gems ni Mentor Luigi Trillo ang 4-1 slate subalit sa sagupaan nila mamaya ay hindi magagabayan ni Luigi ang kanyang team dahil sa pagsisilbihan niya ang one-game suspension kaugnay ng bench-clearing sa laban nila kontra Max! Bond Sumos may dalawang linggo ang nakararaan. Kabilang sa mga pinatawan ng katulad na one-game suspension ay sina Ariel Mepana ng Gems at Junjun Cabatu  ng Sumos.

Sa susunod na laro, maghaharap sa isang knock-out game ang Poweraide Tigers at Café  France Scorpions na kapwa nasa dulo ng 7-team standings sa Group B, na kapwa tangan ang 1-5 win-loss slate.

Ang mananalo sa pagitan ng Tigers- Scorpions KO game ang tatanghaling 6thplacer sa first round. Sa una nilang salpukan dinaig ng Café France ang JR Poweraide sa come-from behind, 85-83.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply