Scorpions sibak, Ironmen laglag sa quarters

BUKOD sa nakaganti ang Jr. Poweraide Tigers sa Café France Scorpions sa 83-85 na pagkatalo noong Mayo 12, napatalsik ng team ni Coach Ricky Dandan ang koponan ni head mentor Mon Jose sa kumbinsidong 77-65 sa do-or-die game sa PBA Developmental League Foundation Cup sa San Juan gym.

Naging balikatan ang laro hanggang sa huling 1.19 minuto nang pumasok ang isang shotclock-beating three points ni top scorer Alvin Padilla na tinanghal na Best Player of the Game sa kanyang 14 puntos.

Nasungkit ng Tigers ang ika-anim na pwesto sa seven-team composition sa Group B.

Bunga nito ay mapapalaban ang Tigers sa crossover game kontra sa third placer na Blackwater Elite ng Group A.

Samantala, ang Maynilad Water Dragons ni Head Coach Frankie Lim ay makikipagsubukan sa Freego Jeans ni Coach Leo Isaac.

Binigo naman ng Cebuana Lhuillier Gems na pansamantalang tinanganan ni Asst. Coach Bong Hawkins ang pagtatangka ng Cobra Energy Drink Ironmen na masungkit ang huling slot sa quarterfinal sa Group B matapos paluhurin ang Ironmen sa score na 73-70.

Magkaparehong 4-2 win-loss slate ang record ng Ironman at ng Max! Bond Super Glue Sumos, subalit sa win-over-the-other ruling na 77-75 na ipinanalo ng Sumos sa Ironmen noong Mayo 14 ay nauwi sa team ni Pido Jarencio ang second berth.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply