Scotty McCreery kampeon sa Americal Idol Season 10

ITINANGHAL na kampeon si Scotty McCreery, 17, ng American Idol season 10 na ginanap sa Los Angeles, California, ngayon, Mayo 26 (petsa sa Pilipinas).

Pinataob niya si Lauren Alaina, 16, matapos na makakuha ng pinakamaraming boto.

Ayon sa Fox TV, record-breaking ngayong taon ang American Idol dahil sa naitalang boto na umaabot sa 122 milyon.

Hindi naman makapaniwala si McCreery na siya ang tatanghaling kampeon.

“Never in my wildest dreams. I got to thank the Lord first. He got me here,” wika niya.

Naging star-studded ang season finale ng nasabing pinakasikat ng singing search sa mundo.

Kabilang sa mga guest ay sina Lady Gaga, Beyonce, Jack Black, Tony Bennett, Tom Jones, Judas Priest, Lil Jon at Bono.

Humataw naman si Jennifer Lopez, isa sa tatlong judge, sa dance floor habang umaawit ang asawang si Marc Anthony.

Ang huling nag-perform naman ay si Steven Tyler, isa ring judge, bago inanunsyo ang nanalo.

Bilang bagong kampeon ng American Idol, kasama sa premyo ni  McCreery ay ang record contract sa Universal Music Group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply