SeaOil nagpatupad ng panibagong P2 rollback

NAGPATUPAD ng panibagong P2.00 per liter roll back sa presyo ng unleaded at premium gasoline ang kompanyang SeaOil alas-dose ng hatinggabi ng Mayo 23.

Bumaba rin ang presyo ng kanilang diesel ng P0.30 sentimo kada litro.

Ayon sa pamunuan ng SeaOil, tugon umano nila ito sa kahilingan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ibaba ang presyo ng gasolina upang bumaba rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ang kasalukuyang presyo ng unleaded gasoline ay P52.40 kada litro at P52.99 kada litro naman para sa premium gasoline.

Inaasahang magbababa rin ng presyo ang big three na kinabibilangan ng Shell, Petron at Chevron.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply