Seaman todas sa road mishap

TODAS ang isang seaman habang sugatan naman ang back ride nito nang suyurin ng sinasakyan nilang motorsiklo ang poste sa Quezon City Sabado ng madaling araw, Mayo 21.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Abdon, Agura, 36, may-asawa, isang seaman ng 196 Marangya St., Freedom Park 2, Brgy. Batasan Hills ng nasabing lunsod.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang kasamahan nitong si Marki Genesis Mardiaga, 27, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Ayon sa ulat ni SPO4 Nelson Apostol ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police, naganap ang insidente sa may tapat ng gate 1 ng  House of the Representatives sa may IBP Road , Batasan Hills, Quezon City ganap na ala 1:45 ng madaling araw.

Tinatahak ng mga biktima sakay ng motorstar motorcycle (NT-1182) na minamaneho ni Agura ang kahabaan ng IBP Road ng biglang mawalan ito ng kontrol at magpa-ekis-ekis hanggang sa sumalpok sa lampost.

Kaagad naman isinugod sa nasabing ospital ang dalawa matapos i-rescue ng mga rumespondeng miyembro ng MMDA. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply