Security team pupulungin ni PNoy

PUPULUNGIN ni Pangulong Benigno Aquino III bukas (Miyerkules), Mayo 4, sa Malakanyang ang kanyang peace and security team upang talakayin ang epekto o posibleng banta ng pagganti ng grupong Al-Qaeda matapos mapatay ang kanilang lider na si Osama Bin Laden sa Pakistan.

Inihayag ni Pangulong Aquino sa isang ambush interview na pupulungin niya ang mga namumuno sa inter-security agency ng gobyerno bilang paghahanda sa posibleng resbak ng grupo ng naturang lider ng pandaigdigang terorismo.

Kabilang sa mga ahensya na pinatawag ng Punong Ehekutibo ay ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Adviser (NSA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ang isasagawang pulong ay alinsunod na rin sa ipinalabas na babala ng International Police (Interpol) at ng global travel warning ng US State Department sa posibleng paghihiganti ng mga kaalyado ng napatay na lider ng Al-Qaeda na si Bin Laden.

Nakatakda rin na maglabas ng opisyal na pahayag ang Malakanyang matapos ang inter-agency security meeting na pamumunuan ni Pangulong Aquino hinggil sa antas ng banta ng terorismo sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply