Sektor ng transportasyon kay PNoy: DOE kastiguhin

HINAMON ngayon ng ilang transport group si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na kastiguhin ang Department of Energy (DOE) sa pagiging spokesman ng mga dambuhalang kumpanya ng langis, na hindi mapigilan sa pagtataas nila ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kasabay nito ay hiniling ng mga grupong nabanggit na ilantad ng DOE ang ipinagmamamalaki nitong “tamang” kompyutasyon sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), mistulang tumatayong spokesman at tagapagtanggol pa ng mga oil company si Energy Undersecretary  Jose “Jay” Layug.

Pinalagan ng transport sectors nitong Miyerkules ang umano’y maagang anunsyo ni Layug na malaki ang ang tsansang masundan pa ang pagmamahal ng produktong petrolyo, partikular ang liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon kay Layug, masyado kasing malaki ang itinaas sa presyo ng LPG, gayundin ng iba pang oil products, sa world market.

Kaugnay nito ay nanawagan din sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nais nilang malaman kung paano nagpapatupad ng dagdag-presyo ng mga kumpanya ng langis.

Aniya, kung maiaalis lamang ang umiiral ang Oil Deregulation Law ay magagawang makilatis ng taumbayan ang kalkulasyon ng mga oil companies sa pagkakaroon ng karagdagang presyo ng langis.

Sakaling tuluyan nang matanggal ang nasabing batas, mapupwersa na ang mga kumpanya ng langis na ipaliwanag ang mga basehan at factor kung bakit itataas ang presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag pa ni Layug, lumalaki na rin kasi ang mga ekonomiya ng iba’t ibang bansa kaya nagkakaroon ng malaking demand para sa langis.

Kung banatan man aniya ng ibang grupo ang umiiral na oil deregulation, wala na aniya silang magagawa dahil ano man ang ipinapatupad na oil price increase ay may pinagbabatayan namang formula.

Matatandaang nagsunuran na ang ibang kumpanya ng langis sa ginawang price hike ng Pilipinas Shell kahapon. Kabilang sa mga ito ay ang Petron, Chevron, Total at Eastern Petroleum.

Halos P1.40 kada litro ang dagdag singil para sa unleaded gasoline, habang P1 naman para sa gasolina at 30 sentimos naman para sa kerosene.

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply