Sekyu patay nang barilin ng kawatan

UTAS agad ang on-duty security guard ng isang pabrika matapos itong malapitang barilin ng mga hinihinalang agaw-armas gang Huwebes ng madaling araw sa Mascardo St., Barangay Bagong Barrio, Caloocan City.

Ang biktima, na namatay mismo sa lugar na pinangyarihan sanhi ng tinamong  isang tama ng bala sa taas ng kanang bahagi ng mata, ay nakilalang si Dominador Agsaulto, 51, residente  ng 12B Sampaguita St, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang mga hindi-pa-nakikilalang salarin matapos ang insidente tangay ang service firearm ng biktima na kalibre .38.

Ayon kay P03 Albert Juanillo ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong alas-kwatro ng madaling araw nang matagpuang wala nang buhay sa kanyang tinatanurang  Firebined Co.

Nabatid na nakatakda na sanang makipagpalit sa kanyang karilyebong gwardya na si Sammy dela Cruz, na nagulat nang madatnan si Agsualto na duguan na nakadapa at wala nang buhay.

Agad ipinaalam ni Dela Cruz sa mga awtoridad ang kanyang natagpuan.

Ayon sa awtoridad, nabigong mabuksan ng salarin ang gate ng pabrika upang magnakaw dahil napigilan ito ng biktima.

Dahil dito ay bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan ang biktima, na agad namang nasawi.

Nagpalabas ng manhunt operation ang  pamunuan ng Caloocan City Police sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga nasabing salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply