Sen. Lacson niresbakan ng mga Obispo

NANINDIGAN ang mga Catholic bishop na walang karapatan si Senador Panfilo Lacson na diktahan sila sa kanilang dapat gawin kasunod nang paggamit umano nila ng pulpito upang maipaabot sa mga mamamayan ang kanilang pagtutol sa Reproductive Health (RH) bill.

Ang pahayag nina Lipa Archbishop Ramon Arguelles at Sorsogon Bishop Arturo Bastes ay kasunod nang naunang pahayag ng senador na huwag daanin sa pulpito ang kanilang pagtutol sa RH bill dahil hindi umano makakasagot dito ang mga mamamayan.

“You have no right to dictates us what to do on RH bill issue,”  anang dalawang lider ng Simbahang Katoliko.

Paliwanag ng mga Obispo, obligasyon ng mga pari na gamitin ang pulpito at ihayag sa publiko ang katotohanan hinggil sa masamang epekto ng RH bill hindi lamang sa kalusugan kundi sa moralidad ng tao.

Ayon kay Bastes, walang karapatan si Lacson na diktahan ang mga pari sa kanilang gagawin dahil bahagi ito ng demokrasya at religious freedom.

“We are oblige to because that’s against the truth. He (Lacson) has no right to tell us what to do. We are the preachers of the God’s words. We are the preachers of the truth and no politicians are ever the authority to feed us what to do. This is a free country and not only that, there’s a freedom of religion and then morality is the number one concern of religion today,” paliwanag pa ni Bastes sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sinabi naman ni Arguelles na pulpito lang ang mabisang paraan para pakinggan ng tao ang Simbahan sa mga dahilan nito kung bakit nila mahigpit na tinututulan ang RH bill.

Paliwanag nito, maraming media ang hindi nagkokober sa mga pagkilos ng Simbahan laban sa panukala.

“Yan ang dahilan kung bakit maraming pari ang nagsasalita sa pulpito. Sila ang mga pabor sa RH ay madaling magsalita sa media dahil karamihan sa media ay kanila. Talo naman talaga ang pro-life kasi karamihan sa media ay hindi kinokober ang mga sinasabi at pagkilos ng mga pro-life vs. RH bill,”  ani Arguelles.

“Ang pulpito ay ginagamit talaga ng mga pari lalo na kapag ang pinag-uusapan ay buhay. Kaya lang sinasabi nila na huwag gamitin ang pulpito dahil talo sila doon. Talo sa bahaging ito ang mga sumusuporta sa RH bill. Pero trabaho ito ng mga pari,” paliwanag pa ng arsobispo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply