Senado dismayado pag-apruba sa plea bargaining

KUNG hindi lang umano may hiwalay at pantay na kapangyarihan, malamang kinastigo ng Senado ang naging desisyon ng Sandiganbayan nang aprubahan ang plea bargaining agreement na pinasok ng Office of the Ombudsman kay dating AFP comptroller M/Gen. Carlos Garcia.

Makikita sa magkakahiwalay na reaksiyon ng ilang senador na lubha silang dismayado sa pagkaka-apruba ng Sandiganbayan sa plea bargaining kaya hiniling nila sa Department of Justice at bagong Ombudsman na umapela sa desisyon.

Ayon kay Sen. Francis Escudero, hindi katanggap-tanggap ang desisyon ng Sandiganbayan dahil malaking pondo ng AFP ang nilustay at ibinulsa nito katulad ni dating AFP comptroller Lt/Gen. Jacinto Ligot.

Inihayag naman ni Sen. Francis Pangilinan na isang malaking dagok sa kampanya ng pamahalaan laban sa korapsiyon ang desisyon ng Sandiganbayan sa plea bargaining ni Garcia.

“Isang malaking dagok sa kampanya ng pamahalaan ang desiyon ng Sandiganbayan dahil kuwestiyonable naman ang pinasok na kasunduan sa dating heneral. Kaya nararapat lamang na gumawa kaagad ng legal na hakbang ang administrasyon upang tutulan o iapela ang kapasyahan ng korte,” giit ni Pangilinan.

Inaprubahan ng Sandiganbayan ang plea bargaining na pinasok ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez kay Garcia sa kasunduan na ibabalik ng dating heneral ang halagang P150 milyon sa pamahalaan kapalit ng pagbaba ng kasong plunder sa direct bribery.

Kasabay nang desisyon ang pagbabasura ng korte sa motion for intervention ng Office of the Solicitor General upang harangin ang naturang kasunduan.

“Totally disappointed by the Sandiganbayan decision because when they allowed Garcia to enter a plea in a lesser offense and allowed him to post bail, it only shows that the plunder was withdrawn and that the withdrawal was based on the plea bargaining agreement,” paliwanag naman ni Sen. Franklin Drilon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply