Senador mainitin ang ulo, tinataguan ng kanyang staff

SINO itong mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na madalas pagtaguan at ayaw kausapin ng kanyang staff kapag mainit ang ulo.

Ang dahilan ng staff, pag-mainit ang ulo ng senador ay nagmumura at naninigaw pa ito kaya mas makabubuti pa umano na huwag na silang magpakita rito.

Pero kapag media ang kaharap, kuntodo ang ngiti nito na halos abot hanggang tenga.

Madalas umanong umiinit ang ulo ng senador sa tuwing galing ito sa hindi maipaliwanag na lugar.

Bahala na kayong mag-isip kung saan iyon.

Pero sabi huwag daw kayong maingay kasi may natutulog sa lugar na iyon kwento pa sa atin ng ating matang kwago ng Remate.

Halos manginig umano ang laman ng staff kapag mainit ang ulo ng kanyang amo.

Kaya naman ang ginagawang paraan ay iharap ito sa media para lumamig ang ulo at maging kalmado.

Alam ninyo rin ba na saksakan ng tsismoso at daldal itong si senador pero hindi naman siya babae o badaf kundi straightforward na lalaki.

Gusto nyo ba ng clue?

Heto: Walang kupas ang kasikatan nito lalo na nang mapasama ito sa grupo ng mga host sa isang television show.

Bago nanalo muli bilang isang nagbabalik na senador ay naging talunan  siya sa halalan noong taong 2007.

Dati siyang kaibigan ni Mr. Wowowee at kakakasal lang ng pamangkin niyang artista. Crispin Rizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply