Senador masakitin, madalas sa ospital

ANO ba itong nabalitaan ng ating matang kuwago sa Remate na madalas na ang pagkakaroon ng sakit at pagpunta-punta sa isang pagamutan ng isa nating senador na uupong hukom  sa Mayo 9 sa sandaling tumayo na ang Senado bilang impeachment court para dinggin ang reklamo laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Batay sa napag-alaman ng ating matang kuwago kalimitang tatlong araw ang nagiging sakit ni senador sa loob ng isang linggo.

Madalas na umano ang pag-ubo, panghihina ng katawan at pagkawala ng boses ng senador.

Napag-alaman pa natin na pagkagaling sa isang okasyon ni senador sa hali8p na magpadiretso ito sa kanyang bahay ay pinili nitong dumiretso sa pagamutan para magpatingin.

Hindi pa naman malaman kung ano ang sakit ni senador o dala lang marahil ng kanyang katandaan o dahil epekto ng climate change na malimit sabihin ni senador Loren Legarda.

Minsan na ring tinangkang kapanayamin ng mga miyembro ng media si senadir subalit tumanggi ito dahil wala umano itong boses.

Kung minsan naman talaga ay nawawalan ng boses si senador at baka sa susunod ay  humina na rin ang pandinig nito at kailangan nang gumamit ng hearing aide.
In fairness kay senador, masipag ito at mahal na mahal ng mga empleyado ng Senado dahil
kahit hindi sila staff ng senador ay hindi niya nakalilimutan na maipagkaloob ng Senado ang nararapat na benepisyo sa mga ito.

Ano kaya ang sakit ni senador at kakayanin pa kaya niyang tumayo bilang hukom at makinig sa buong proseso ng impeachment trial sa kanyang kalagayan o nagpupunta lang siya ng ospital para siguruhin na handa siya sa Mayo 9 at sa mga susunod na araw.

Take note hindi lang sila uupo bilang mga hukom sa hapon kundi magdaraos din sila ng sesyon
sa umaga.

Kung alam ninyo kung sino siya, itext ninyo lang sa akin para happy ako.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply