Senador nagtipid sa pagkain, mga bisita nagutom

IMBES na maging masaya, reklamo sa matinding pagkagutom ang inabot ng mga dumalong bisita at mapagmasid sa isang  hearing ni senador.

Akalain n’yo ba naman na sa dami ng inimbitahan  na dumalo sa kanyang pagdinig kasama na ang media ay 30 sets na mirienda at pagkain lang ang inorder niya.

Kahit nga kape ay wala itong na-order, halos kabahan pa nga ang waiter kung paano niya pagkakasyahin ang pagkain sa sobrang dami ng bisita dahil baka magkamali siya ng pagbibigay at tiyak na malalagot siya.

Napilitan lang mag-pa order ng kape at dagdag na set ng pagkain si senador ng isang kapwa senador din niya ang umangal na wala man lang siyang mainom kahit na mineral water.

Ang ipinagtataka ng  matang kuwago sa Remate, paanong nagagawang magtipid ni senador gayong mayroong alokasyong pondo sa bawat komite na nangangahulugan na gagamitin ito sa pagpapatakbo at pangangailangan sa committee hearing, kabilang na ang pagkain.

Ang tanong: Kung hindi ito gagamitin ni senador sa pagpapakain, saan niya ito balak gamitin?

Sa tingin kaya niya may dadalo pa sa susunod niyang ipatatawag na hearing kung laging nagugutom ang kanyang mga bisita.

Hindi naman siguro manhid at angats si senador, hindi katulad ni Mr. Bean.

Gusto n’yo ba siyang makilala?

Siya yung laging gustong sumipsip sa Malakanyang at kay PNoy kaya pumalpak sa kanyang komite report.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply