Senador nang-agaw ng kuwarto

ANO ba itong ginagawang asal ng isang senador dahil biruin ninyo pati isang nananahimik na silid sa Senado ay inagaw pa mula sa isang komite.

Napag-alaman ng matang kuwago ng Remate na galit-galit ang mga staff ng naturang komite dahil sa handa na sana silang lumipat sa bago nilang kuwarto dahil sa sobrang dami ng confidential paper at ebidensyang hawak nila katulad ng sa husgado subalit laking gulat nila nang sabihin sa kanila na hindi na sila makalilipat dahil sa inagaw na ng isang senador ang naturang kuwarto.

Walang nagawa ang mismong pinuno ng komite dahil si senador na umano mismo ang may gusto sa naturang kuwarto.

Ano kaya ang mayroon sa naturang kuwarto gayong inalisan ito ng isang talunang presidentiable sa nakalipas na 2010 presidential election?

Bagamat komportable pa rin naman ang mga staff ng naturang komite sa kanilang room, nais nilang maiayos sana ang lahat ng mga dokumento at papeles at mga ebidensya sa kanilang tanggapan.

Matapos maagaw este makuha ni senador ang kuwarto ay agad niya itong ipinaayos na akala mo ay isang lugar na paborito niyang puntahan sa Makati.

Pina-punsoy kaya ni senador ang naturang kuwarto kung kaya’t inagaw este hiningi niya ito sa Senate leadership gayong mayroon na sanang kuwartong nakalaan para sa kanya na malaki pa at maganda rin naman?

Isa sa pinanalo ng naturang mambabatas ay ang charm at pagiging kilala sa lipunan.

Kung artista ito o hindi bahala na kayong humusga basta babae ang asawa ni senador.

Minsan na rin niyang ipinagpalit at tinalikuran ang kanyang pakikipag-kaibigan alang-alang sa partido at matiyak lang ang tagumpay sa nakalipas na halalan.

Basta hintayin ninyo ang pagbabalik ni Ate Guy para may katapat uli si Ate Vi na papatok sa takilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply