Senador ugali na ang manggapang

LIKAS na talaga sa isang batikang mambabatas ang istilo niyang manggapang lalo na sa mga kababaihan este sa mga kapwa niya mambabatas makuha lamang ang kanyang nais.

Batay sa napag-alaman ng matang kuwago ng Remate, pinakahuling panggagapang ng kagalang-galang na mambabatas ang pangangalap ng suporta sa kapwa senador makasipsip lamang kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Isa rin sa mga ginawang panggagapang ng mambabatas ang pangangalap ng suporta sa kapwa senador para mailuklok sa pinakamataas na posisyon sa kapulungan subalit maging ang kanyang mga kaal-yado ay hindi niya nakuha ang suporta kaya sa bandang huli ay napilitang bumalik sa tinalikurang kaibigan nang dahil sa pulitika.

Subalit laking gulat niya nang umatras ang binalikang kaibigan na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa kanilang kapulungan.

Kung nakamit sana niya ang kanyang pangarap na mailuklok sa naturang posisyon, nais niyang hawakan ang mabibigat na committee katulad ng blue ribbon at finance Committee subalit hindi siya nagtagumpay.

Maging sa kanyang partidong kinabibilangan ay nagawa rin niyang gapangin ang mga miyembro nito matiyak lamang na siya ang maihahalal na party president subalit laking gulat niya nang bilang na bilang lamang sa daliri niya ang sumusuporta sa kanyang kandidatura.
Kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit nagalit ang maybahay nito at naglabuan ang relasyon ng dahil sa pagiging malikot ni senador at napabalita pa ngang isa sa mga dating staff nito ang naanakan niya.

Isa sa mga dahilan ng pagkapanalo ng mambabatas ang gamit na pangalan ng kanyang asawa pagkat ito ay hinahangaan ng lahat anoman ang naging hitsura ng katawan.

Kung gusto pa ninyo ng clue manood na lang kayo ng Batibot at lagi siyang kausap ni Pong Pagong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply