Senior citizens ililibre
sa pagbabayad ng buwis

BASTA senior citizen, propesyunal man o hindi ay hindi na papagbayarin ng lahat ng direct o indirect taxes kahit magkano pa ang kanilang kinikita, ayon sa isang kongresista.

Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pag-amyenda sa “The Expanded Senior Citizen Act of 2010” para sa mga senior citizen na siyang nakapaloob sa House Bill 4577 na inakda ni Rep. Anthony Rolando Golez Jr. (Lone District, Bacolod City).

Ayon kay Golez, ang kasalukuyang batas para sa mga senior citizen lamang na minimum wage earners ang siyang exempted  sa pagbabayad ng buwis.

“Senior citizens have worked so hard and paid their dues to society that now it is society’s turn to give back,” ani  Golez.

Dapat aniyang huwag ng bigyan pa ng alalahanin ang mga senior citizen sa kanilang bayarin sa buwis dahil sa pangangailangan pa rin nilang kumita kahit papaano para pangsuporta sa kanilang pamilya.

Panahon na rin aniyang kilalanin at pahalagahan ang inambag ng mga ito sa  lipunan.

“In recognition of the role played by the elderly in the development of our society, the State fully acknowledges them as an active part of our human resources and full protection of their welfare is a continuing concern of the government,”ani Golez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply