Service crew pinaghubad ng holdaper

BRIEF lamang ang itinira ng isang kilabot na holdaper sa biniktimang service crew makaraang limasin lahat ng gamit nito pati na ang damit, pantalon at sapatos ay tangayin sa Pasay City kagabi.

Lulugo-lugong iniulat sa istasyon ng pulisya ng 20-anyos na si Mark Anthony Genetia, ng 662 Dimasalang Street, Pasay ang sinapit.

Naituro naman ni Genetia ang suspek sa ipinakitang “photo gallery” ng pulisya na naging daan para madakip ang sinasabing holdaper na si Wilmar Esmeria.

Ayon kay Genetia, naglalakad siya sa Libertad St., dakong 8:10 ng gabi ng isang hindi nakilalang lalaki ang dumikit sa kanya buhat sa likuran at tutukan siya ng patalim.

Sapilitang hinila siya ng suspek sa isang madilim na eskinita at hiningi ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P5,000 at wallet na may lamang P250 cash.

Hindi pa nakuntento ang suspek at pinaghubad pa ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply