Serye ng kilos-protesta vs RH bill inihahanda

NAGHAHANDA na ng serye ng mga kilos-protesta laban sa panukalang batas ang Simbahang Katoliko.

Ito’y bunsod ng patuloy na debate sa Reproductive Health (RH) bill sa Kongreso.

Nabatid na kabilang dito ang pagdaraos ng training sa natural family planning ng local diocese sa Paranaque sa Mayo 28 at 29 para sa mga couple trainers na siya namang magsasagawa ng training programs sa kanilang mga parokya.

Plano rin naman umanong magdaos ng anti-RH rally sa Masbate ng simbahan sa Hunyo 7, ayon kay diocesan administrator Msgr. Claro Caluya.

Sa Hunyo 11 naman ay idaraos rin ang prayer rally na inaasahang dadaluhan ng may 100 parokya at 200 pari sa Immaculate Conception Cathedral grounds sa Malolos, Bulacan, na sisimulan ng banal na misa dakong 6:00 ng hapon.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, pangungunahan ito ng Diocesan Commission on Family and Life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa Basilan ay mayroon na umanong mga streamer sa Basilan na may mensaheng “No to RH Bill! Yes to Life!”

Kasalukuyan nang umaarangkada sa Kongreso ang plenary debate kaugnay sa RH bill. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply