Sex educ sa Grade 5, kinuwestiyon ni Trillanes

MAHIGPIT na tututulan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang isang probisyon sa Reproductive Health bill na isinusulong ng Palasyo na naglalayong magkaroon ng mandatory sex education sa lahat ng Grade 5 students.

Sinabi ni Trillanes na maraming butas na nakikita sa RH bill kabilang ang probisyon sa sex education.

“I will question the mandatory sex education provision that will start from Grade 5,” ayon kay Trillanes.

Ayon kay Trillanes na lubhang napaka-sensitibo ng subject ng sex education na ituturo sa grade school pupils.

“Masyadong sensitive ang subject, Maaaring hindi handa ang ating mga guro sa pagtuturo ng sex education and our children are not matured enough to accept the education,” ayon kay Trillanes.

Sinabi ni Trillanes na dapat ituro ang sex education sa sekondarya partikular sa fourth year high school.

“Ako, kami nagkaroon ng sex education noong fourth year high school kami. Kaya dapat sa ganitong antas ituro ang sex education,” giit ni Trillanes.

Kasabay nito, iminungkahi ni Trillanes kay Pangulong Benigno Aquino III na sa halip ipagdikdikan ang RH bill sa Kongreso, dapat isulong ng chief executive ang FOI Bill na inakda rin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Sinabi pa ni Trillanes na akmang-akma linya ni Pangulong Aquino na “Kung walang korap, walang mahirap” ang FOI bill.

“It is more appropriate on his standing and campaign promise on the anti-corruption. He should promoting FOI bill,” giit pa ni Trillanes.

Naunang hinikayat ni Cayetano ang administrasyon na isulong din ang FOI dahil sakaling maisabatas ang panukala, magkakaroon ng sandata ang taumbayan na malaman ang lahat ng transaksiyon sa gobyerno at maiwasan ang katiwalian.

“Maiiwasan ang korapsiiyon sa FOI bill,” ayon kay Cayetano. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply