Shakey’s V-League Awards Night sa Best-of-3 opening match

SA UNANG laro ng Shakey’s V-League First Conference sa Lunes sa pagitan ng Adamson University Lady Falcon at Ateneo de Manila University Lady Eagles sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City ay gaganapin ang awards ceremony.

Ang Best-of-3 finals ay tinatayang magiging mahigpitan dahil idedepensa ng San Marcelino-based tossers ang korona na tangan nila noong 2008 Conference, habang ang Lady Eagles, runner-up ng nasabing liga, ay handang-handang makabuwelta.

Sa labanan sa Most Valuable Player Honors, bahagyang angat si import Lithawat Kesinee sa prehistiyosong parangal tangan niya ang 44.42 porsiento sa atake at 1.11 average sa blocks.

Hawak din ni Kesinee ang pangalawang best scoring record sa kanyang 122 points na nakadikit kay Patty Orendain na may 134 points para sa University of Saint La Salle-Bacolod.

Kabilang din sa makaaagaw ni Kesinee sa parangal ay sina Mary Jean Balse at Suzanne Roces at Nene Bautista ng Adamson Falcons.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply