Shakey’s V-League crown nasungkit ng Lady Eagles

TINULDUKAN ng Ateneo Lady Eagles ang matagal nang pag-aasam sa titulo ng prestihiyosong Shakey’s V-League nang dagitin ang korona laban sa defending champions na Adamson University Lady Falcons sa gitgitang limang sets, 24-26, 25-18, 25-22, 19-25, 15-11 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Umarangkada ang mga batang players ni Coach Charo Soriano, partikular ang 18-anyos na si Alyssa Valdez, na nagpasiklab sa kanyang mga atake at si setter Jamenea Ferrer samantalang matatag ang depensang iniharap ni Thai import Kesinee Lithawat na tinanghal na Most Valuable Player ng komprehensya.

Inabot ng dalawang oras at 18 minuto ang limang sets na paluan na ipinanalo sa unang pagkakataon ng Katipunan-based tossers na ginabayan ng pinakabatabang coach ng liga na si Charo Soriano.ito rin ang kauna unahang malaking titulo ng Lady Eagles magmula sa huling pagwawagi sa National Collegiate Athletic Association  (NCAA) noong 1976-1977 season.

Nasungkit naman ng University of St. La Salle-Bacolod ang 3rd place sa pagpapatahimik sa National University Lady Bulldogs sa dalawang straight na panalo sa best-of-three finals sa sets na 25-17, 25-21, 25-23 sa pagbibida nina Sheryl Denila at Patty Orendain. – Radito Torres/Jayvee Alberto

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply