Shalani Soledad, Liz Uy sanib-pwersa sa pagpapapansin kay PNoy

HINDI naman naging sagabal o hadlang sa dalawang naging ex ni Pangulong Benigno “PNoy” III na sina Shalani Soledad at Liz Uy ang magsama sa isang project.

Excited at hindi naman makapaniwala itong si Shalani na magiging cover girl siya ng isang lifestyle magazine.
Kaya naman napakaraming mga damit ang dala-dala nito, ganun daw pala ang pagso-shoot at pagpi-pictorial para sa cover ng mag.

Tinulungan naman si Shalani ni Liz para sa paghe-hairstyle sa kanyang buhok pati ang damit ay pinakialaman at inayusan din ni Liz si Shalani.

Natuwa naman si Shalani at magkasama sila na mga ex ni PNoy sa isang project at okey naman dawa sila at walang problema.

At never nga raw sumagi o napag-usapan nila si PNoy sa kanilang mga kuwentuhan.

Hindi na nga mapigil pa ang patuloy na pagsikat ni Shalani sa showbiz world.

Wala din problem kay Liz na ex din ni PNoy kung muli silang magsasama sa iisang project at work naman daw talaga ni Liz na siya ang mangasiwa para sa buhok at damit na gagamitin ni Shalani para sa isang cover ng mags.

Marami namang natuwa sa pagsasama na ito ng dalawang ex ni PNoy at ewan lang natin kung natuwa din ang naudlot na maging hipag na si Kris Aquino sa pagsasama ng mga ex ng kanyang Kuya Noy.

Well, well, well…

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply