Sharapova muntik malaos sa bagong player

MUNTIK ma-upset ang tennis superstar na si Maria Sharapova sa kamay ng 17-anyos lamang na baguhang Mexican tennis player na si Caroline Garcia sa nagpapatuloy na French Open.

Gayunman sa huli ay nag-collapse sa kanyang game si Garcia para ipanalo pa rin ng Russian three-time Grand Slam champion ang laro sa score na 6-3, 4-1.

Noong unang bahagi ay napahanga ang mga tennis fans sa ipinakikitang magandang performance ng dalagita na sa buong akala nila ay maitatala sa kasaysayan ang malaking upset.
Umabot pa ang score sa 4-4, at 30-30 sa second set, hanggang sa magkaroon ito ng magkasunod na double faults.

Pero sa huli ay namayani pa rin ang pagiging beterana ni Sharapova.

Ayon naman sa ilang observers, ang nabanggit na laro ay hudyat ng pagsilang ng bagong tennis star na maaaring maging number one sa hinaharap.

Maging si Andy Murray ay hindi nakatiis sa kanyang Twitter sa kasagsagan ng kainitan ng laro para magpalabas ng statement.

“The girl Sharapova is playing is going to be number one in the world one day. Caroline Garcia. What a player! U heard it here first.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply