Shell, Petron dagdag bawas sa presyo ng LPG at gasolina

DALAWANG dambuhalang kompanya ng langis sa bansa ang nagbaba ng presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) subalit nagtaas naman ito sa presyo na kanilang produktong gasolina.

Umabot ng P2.50 kada kilo ng LPG ang ibinaba nito na katumbas ng P27.50 kada tangke. Ang presyo naman ng premium at unleaded gasoline ay nagtaas ng P0.50 sentimo at P0.25 sentimo naman para sa presyo ng diesel.

Nagpatupad ng “dagdag bawas” sa presyo ng LPG at gasolina ang Shell kaninang 12:01 ng madaling araw samantalang ang Petron naman ay kaninang 6:00 ng umaga.

Nabatid ang paggalaw ng presyo ng mga produkto ng langis ay bunsod sa pabago-bagong presyo ng pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan na susunod ang ibang mga oil players sa bansa sa “dagdag bawas” ng presyo ng kanilang mga produkto.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply