Shotgun ng MRT sekyu aksidenteng pumutok, 4 sugatan

APAT na tao ang malubhang nasugatan nang aksidenteng pumutok ang shotgun ng isang security guard ng Metro Rail Transit (MRT) sa Kamuning Station, sa Quezon City, kaninang umaga.

Kinilala ni Hernando Cabrera, spokesperson ng MRT, sina Lordiem Abellar, ladyguard ng MRT, Gaspar Malanday, 31, Ronnel Balano, 24 at Mary Ann Orosco, 36, na pawang nagtamo ng bala ng shotgun sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinailalim naman sa interogasyon sa Regional Special Action Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at kinumpiska na rin ang service pistol ng suspect na si Cecilio Belleca, Jr.

Ayon sa ulat, dakong alas-nuwebe ng umaga nang aksidenteng pumutok ang 12-gauge shotgun ni Belleca sa may passenger area ng MRT south-bound train.

Ayon kay Cabrera, papasara na sana ang pintuan ng MRT nang sa hindi malang dahilan ay biglang nakalabit ni Belleca na nakatayo sa tapat ng pintuan ng tren ang gatilyo ng kanyang shotgun.

Hindi na umano ipinara pa ng drayber ang tren na minamaneho nito at pagdating sa Taft Avenue station ay isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital para sa kukulang medical attention.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply