Si Bong Revilla bilang pulitiko, asawa

SINO si Jose Marie Mortel Bautista sa buhay ni Congresswoman Lani Mercado- Revilla?

Ipinanganak noong Setyembre  25, 1966 si Jose Marie Mortel Bautista o kilala sa pangalang Ramon “Bong” Revilla Jr. ng kanyang inang si Azucena Mortel Bautista at  amang si Jose Acuna Bautista na kilalang bilang “ Ramon Revilla Sr.”

Nagtapos ng kanyang elementarya sa Jesus Good Shepherd School, sa Palico, Imus, Cavite noong 1979 at sa Amerika na nagtuloy ng sekondarya sa Fairfax High School sa Los Angeles, California, subalit hindi nito natapos at bumalik ng Pilipinas.

Sa pagbabalik sa bansa, dahil sa guwapo at matikas, mabilis na nakapasok sa pag-aartista na nagsimula noong 1980 hanggang 1990.

Nakitaan ng galing at pagiging propesyunal sa pag-aartista, dala-dala ito hanggang sa pumalaot sa larangan ng pulitika., sa edad na 29, nagpakita na ng kanyang kakayahan na mamuno bilang vice governor ng lalawigan ng Cavite noong 1995.

Nagsimula ang kanyang political career nang  gawin siyang runningmate ni NBI director Epimaco Velasco bilang vice governor ng Cavite noong 1995 local elections na kung saan tinalo nila ang mga Remullas.

At noong 1998 naging acting governor si revilla makaraang mag-resign si Velasco upang punan ang puwesto bilang  secretary ng interior and local government kapalit ni Robert Barbers.

Nanguna at sinuportahan ang pagpapatupad ng anti-drug programs ng lalawigan  bilang  Chairman ng Cavite Multi-Agency Anti Drug Council (CMAC)  na kung saan ay nasawata at naaresto nila ang malaking bilang ng problema sa droga.

Ang pagpapakita ng seryosong maayos na pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ang naging daan upang pagkatiwalaan si Revilla ng mga cavitenos.

At noong may 1998 local election, tumakbo at nanalo si revilla bilang gobernador ng lalawigan.

Matapos ang termino sa pagka-gobernador, noong 2002 itinalaga si Revilla ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang  Chairman of the Videogram Regulatory Board (ngayon ay Optical Media Board).

Bilang chairman ng VRB, walang takot na sinuyod ang mga lugar na kung saan isinasagawa ang pamimirata ng palabas sa pelikula maging ito ay local at intenational na kung saan umabot sa 3480 major operations  kabilang ang routine inspections sa buong bansa na mahigit sa P5 bilyon halaga ng gamit sa pamimirata ang nakumpiska, nakapagpakulong din ng  21 optical disc pirates , 2 videotape pirates and 5 large-scale distributors and retailers sa panahon ng kanyang termino.

Dahil dito, binigyan si Revilla ng Plaque of International Recognition for Efforts Against Piracy ng Motion Picture Association of America noong Hulyo  23, 2003  at Huwarang Lingkod Bayan Award ng Consumers League of the Philippines Foundation, Inc. noong namang Oktubre 25, 2003.

Dahil sa magandang harangarin sa para sa pagpapaunlad ng bansa, mas pinalawak pa ni Revilla ang kanyang pagseserbisyo sa bayan nang magdesisyong tumakbong senador noong 2004 makaraang matapos ang termino ng ama na si Revilla Sr. sa pagkasenador.

Kaya’t nagbitiw si Revilla bilang VRB chairman at inirekomenda si Edu Manzano na kapalit nito.

Tumakbo si Revilla  sa pagkasenador sa ilalim ng administration K-4 coalition at hindi lamang ito nanalo kundi pangalawa ito sa may pinakamalaking bilang ng boto sa kanyang posisyon.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagtitiwala ng taumbayan kay Revilla na kung saan nitong nakaraang halalan ay nanguna ito sa may pinakamalaking bilang ng boto sa pagkasenador.

Hindi rin malilimutan ang mapangahas na ginawa ni Revilla noong Marso 28, 2007 nang maganap ang panghohostage ng isang bus sa Maynila na kung saan lulan ang mga kabataan mula sa kinder at elementarya.

Walang takot na kinausap nito ang hostage-taker para masigurong magiging ligtas ang mga batang nasa bus.

Hindi lamang mapagmahal na ama kundi mapagmahal din na asawa si Bong na bilang patunay ay muli na naman niyang pakakasalan ngayong Mayo 28 sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa ganap na ika-3 ng hapon bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng kanilang ika-25th wedding anniversary ang kanyang asawa na si Jesusa Victoria Bautista o kilala sa pangalan na Lani Mercado-Revilla na kasalukuyang kinatawan ng 2nd district ng Cavite sa Kamara.

Nabiyayaan sina Bong at Lani  na anim na anak na sina Leonard Bryan Revilla o kilala bilang Bryan, Jose Lorenzo Revilla o kilala bilang Jolo, Inah Felicia Revilla-Del Rosario na ikinasal kay Vince del Rosario, Ma. Viktoria Gianna Revilla, Ma. Franzel Loudette Revilla at Ramon “Ram” Vicente Revilla.

Sa kasal nina Bong at Lani, tatlong dating pangulo rin ng bansa ang kabilang sa kanilang ninong at ninang tulad nina dating pangulong Joseph Estrada, dating pangulong Fidel Ramos at datng pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kabilang din sa kanilang principal sponsors sina dating unang ginang Amelita Ramos, Mayor Alfredo Lim, dating senador Ernesto Maceda, dating House speaker Jose de Venecia, Ramon Ang, Atty. Felipe Gozon, Menardo Jimenez, Henry Sy, jr.; Jimmy Duavit, Manuel Pangilinan, Vic del Rosario, Gretchen Cojuangco, Cynthia Villar, Rep. Gina de Venecia, teresita Ang, Lily Monteverde, Mercedes Gotianun, Elizabeth Quisimbing, Armida Siguion-Reyna, Wilma Galvante, Lolit Solis at German Moreno.

Kasama rin sa secondary sponsor si Rep. Many Pacquiao at asawa nito na si Jinkee Pacquiao para sa veil, cord naman si  senador Jinggoy Estrada at asawa na si Precy Ejercito at sa candle ay sina Philip Salvador at Lorna Tolentino.

Ang best men naman nina bong at lani ay ang mga anak nito na si Bryan at Jolo Revilla samantalang ang maid of honor ay si Inah del Rosario. Ang groomsmen na sina Ramon Vicente Bautista, Jorge Vicente del Rosario at Luigi Santos at ang bridesmaids ay sina Ma. Viktoria Gianna Bautista at Ma. Frnazel Loudette Bautista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply