Si Bubonika ang ahas sa show nina John sa Dos

MAY kasabihan tayong mga Pinoy na saan mang gubat ay may ahas? True! parang meron ngang ahas o “La Traidora” sa grupo ng noontime show na “Happy Yipee, Yehey” sa Dos.

Noon pa raw nakakaramdam ang ilang staff na merong nang-aahas sa loob dahil kahit na simpleng miscommunications among staff and crew, napalalaki ito sa pamamagitan nang pagtsitsismis sa iba.

O, di ba nga, kung nagpapalipat-lipat ang isang salita sa ilang dosenang bibig, ilang salita naman ang naidadagdag  dito?

Gaya ng diumano’y may naganap na awayan between floor director Alex Magbanua at TV host-actor John Estrada. Kung halimbawang nagkatalakan man ang dalawa o may nangyari bukod pa sa talakan na ang sabi pa’y napasuntok daw sa pader si John sa sama ng loob dahil sa pinagsalitaan daw ng FD na si Alex ang ilang contestants na fans pala ni John.

Nagpapaliwanag daw ang direktor sa gagawin sa pakontes. Dahil may deperensya sa pandinig si Alex, napapalakas ang kaniyang pagsasalita na inakala naman ng fans na sila’y napapagalitan na.

Nagsumbong sila kay John at ganito daw ang eksena.

Ang nangyari ay naiparating sa mga kalaban ng programa (Kay Bubonika plastikada in particular. Hahaha! – Ed) nagkaroon tuloy ng isyu na naresolba naman agad noong Sabado sa mismong show.

***

Nagkaroon ng exclusive meeting ang buong staff ng Happy,Yipee,Yehey! kahapon para ma-trace kung sino ang nagpaparating ng mga mali-maling impormasyon sa ibang tao. Masama nga naman sa buong programa na heto’t kandakuba na sila sa  show para maibigay ang buong saya sa mga tao, heto’t may isa palang nang-i-spy sa loob, kung totoo man ito.

Hindi pa namin nalalaman kung ano ang naging pangyayari after the meeting dahil inabot ito ng 48 years (?). Hahahaha!

Eniweys, sa isang bagong programa gaya ng Happy,Yipee,Yehey, tiyak na  may ilang pagsubok na mai-encounter ang show lalo pa’t  gumaganda na ang rating nito base na rin sa Kantar Media survey.

May update kami sa balitang ito pag may nakausap na kami sa loob.

***

BONGGA na naman ang ilang Kapamilya stars dahil pangungunahan ng mga involved ang Pan-Asian musical na “Kitchen Musical” na ii-ere sa Studio 23 simula sa OKtubre.

Ang mga mapapalad na pumasa sa screening-auditions ay sina Karylle at Christian Bautista, kasama pa rin ang isa sa mga Star Magic talents na si Thou Reyes, ang nagbabading-badingan sa dating teleseryeng “I Love Betty La Fea.”

Tutulak na ngayong Miyerkoles, June 1, ang buong tropa para sa said teyping ng Kitchen Musical at apat na buwan, yes, 4 months na mawawala ang mga said stars sa bansa para roon mamalagi sa Singapore.

Nais daw kasi ng Executive Producer na wala nang uwian para tuloy-tuloy at walang istorbo habang nagtatrabaho ang mga star doon.

Ipinakita sa amin ang pilot episode ng nasabing musical show at mala-stage play ito na kumakanta habang nagdadrama. Parang Miss Saigon, kumbaga.

On Karylle, naitanong namin sa dalaga kung makakaya ba nitong mawala sa piling ng pamilya sa loob ng apat na buwan? Paano na ang mommy nitong si Zsa Zsa Padilla at boypren na si Yael ng Spongecola?

“Hindi ko ma-imagine na mawala ng ganoon daw kahabang panahon. ” ani Karylle.

Gaya daw last week, noong pumunta ito sa Amsterdam at London for a commercial shoot, “Isang linggo lang akong nawala at hirap na hirap ako noon. Ito pa kaya, 4 months?”  sabay ngiti ng dalagang singer-actress.

Nabanggit naman ni Karylle na since malapit lang ang Singapore sa ‘Pinas at meron naman silang apartment na titirhan doon, nagpaplano na ang mommy nitong si Zsa Zsa na bumisita roon kasama si Kris Aquino para sa isa na ring bakasyon grande.

“With the chat around, siguro, hindi masyadong mami-miss yong mga mahal mo sa buhay,”  well, kasama na roon siyempre si Yael.

***

MUKHANG pinabobongga ng Kapamilya ang career ni Kathryn Bernardo, ang gumaganap na Mara sa seryeng “Mara Clara” dahil  after a movie with Mara Clara casts at isang serye sa Dos,  inihahanda na rin pala ang iskrip ng “Esperanza,” para ibigay  sa nasabing teen star.

Tuloy, maraming nagsasabi na hindi kaya ipina-pattern ng ABS-CBN ang career path ni Kathryn kay Judy Ann Santos?

Sabagay, sino ba naman si Juday dati noong hindi pa siya nabibigyan ng break sa dating Mara Clara at ito ngang balak na i-remake na Esperanza?

Kasuwerteng bata. Nakatulong din kay Kathryn ang pangaral ng kaniyang mommy na huwag papaapekto sa mga kasikatang  dumarating sa kaniya, or else, mapapagaya siya sa ilan nating stars na nakaramdam lang ng konting asenso ay lumaki na ang ulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply