Si De Lima sana ang swak sa Ombudsman – Palasyo

MARAMING matatakot kapag ipinuwesto ni Pangulong Benigno Aquino III si Justice Secretary Leila de Lima sa Tanggapan ng Ombudsman bilang pinuno nito.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na kung kuwalipikasyon ang pag-uusapan ay pasado si De Lima na maging kapalit ng nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

“I think marami pong matatakot kapag si Secretary De Lima po ang mailalagay sa Office of the Ombudsman. Kung qualifications po ang pag-uusapan, ‘yung determination, I think Secretary De Lima is fit for the job,” anito.

Nauna rito, tinanggihan ni De Lima ang puwesto at nagsabing hindi siya magpapartisipa sakaling tawagin ukol sa screening process.

“Kung hindi po magpa-participate ‘yung nominado, wala rin naman pong mangyayari doon sa screening nila.  So I guess at this point ni-rule out na po ni Secretary De Lima,” ani Valte.

Ayaw namang sagutin ni Valte ang tanong ng mga mamamahayag kung pinipilit ni Pangulong Aquino si De Lima na tanggapain ang pagiging Ombudsman.

“That I cannot tell. I would not like to preempt. Hindi ko po masasabi ‘yun at this point,” ani Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply