Si Nicole Laxa at iba pang pag-asa ng bayan

ISANG haiskul student si Nicole Laxa.

Taga-Tondo, Manila.

Kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Tondo.

Nalungkot at kinitil ni Nicole ang sarili niyang buhay makaraang sumuko ang kanyang mga magulang sa pagpapaaral sa kanya.

Kahirapan, Suki, ang kumitil sa buhay ni Nicole.

Gustong-gusto ni Nicole ang mag-aral, ang magkaroon ng kinabukasan.

Ito’y upang sa huli ay mapagtagumpayan niya ang buhay na matagal nang dumadagan sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Ngunit tinalo siya ng kahinaan.

Hindi nakayanan ng mura niyang isipan at damdamin ang talaga namang sobrang bigat ng buhay na kumitil na rin sa buhay ng mga may edad sa kanya, ng marami na ring magulang.

oOo

Para sa mga lider ng bansa, sa mga lider sa edukasyon, maituturing bang isa lang na isolated case ang naganap kay Nicole?

Nakatatakot isiping maaaring ganito nga ang pagtingin ng mga lider.

Nakatatakot isiping maghuhugas lang ng kamay rin ang mga ito, sabay turo sa kanilang mga magagandang programa sa edukasyon na hindi naisip at nasilayan ni Nicole.

Ang totoo, marami, hindi mabilang sa daliri ang nakaiisip ng katulad ng inisip at dinamdam ni Nicole.

Malakas lamang ang pagkupkop ng mga magulang sa kanila kahit sa hirap na walang ginhawa.
Pero paano kung may susunod sa yapak ni Nicole, sa pagkitil ng buhay?

Kung hindi man kamatayan ang sagot nila sa kahirapan, paano ang mga kasagutan nilang gumigiba hindi lang sa kanilang mga dangal kundi sa kanilang kinabukasan?

Paano kung kawayan sila ng droga, ng prostitusyon, ng mga mapang-alipin sa mga maliliit at mahihina?

Diyos na mahabagin!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply