Si Rey Marfil at NBN Channel 4 ang sisihin sa rating ni PNoy

18 points ang binagsak ng rating ni Pangulong Noynoy!

Bakit? Dahil sangkatutak na payaso ang nabibilang sa departamentong komunikasyon ng Palasyo.

Unahin na natin ang magaling na Press Asst. Secretary na si Rey Marfil, sa halip asikasuhin ang pagpapakalat ng magandang impormasyon ng Palasyo ay puro pagpapatawa sa Pangulo ang inatupag ng gagong ito.

Huwag mong sabihing hindi…. Itanong pa natin kay Paul Guti o sa ninong mo na si Jimmy Policarpio.

Nakararating ba kay Pnoy ang tunay na nangyayari ngayon sa buong bansa o puro patawa lang ang ginagawa mo, Assec. Rey Abunda este Rey Marfil?

Ilang beses lumapit ang mga mamamahayag kay Marfil para maiparating sa Pangulo ang mga problema sa malayang pamamahayag…may nagawa ba si Marfil? WALA!

Ano pa kaya ang magagawa n’yan para sa bansa eh sa sariling kabaro nga eh wala s’yang magawa.

oOo

Isunod naman natin ang NBN 4.

Ang unang-unang ginawa ng bagong General Manager na si Caluag ay sibakin ang mga show na pasok sa rating except Lotto.

Hayun pati newscaster tuloy ngayon ng NBN 4 ay naging tanga, na hindi alam kung sino ang Pangulo ng bansa.

Subukan n’yong rebisahin ang inyong Teledyaryo nang malaman n’yo kung sino ang sinasabing newscaster.

Nakalimutan n’yo na ba na ang NBN 4 ay government Channel, Mr. Calauang este Caluag?

Eh…. Bakit hindi alam ng newscaster mo kung sino ang Presidente ngayon ng bansa? Aba’y, Sa tingin mo ba ay makatutulong sa bansa ang katangahan mo, Mr. Caluag?

Hooooops! Command responsibility po ang tawag d’yan kaya kayo po ang dapat sisihin sa katangahan ng tauhan n’yo.

Puro ka kasi porma, Mr. Calauang, kaya sa halip na tulungan ka ng mga taong nakapaligid sa’yo, itinutulak ka pa para makanal.

Maipaalala ko lang sa’yo Mr. Calauang kaya pala galit sa’yo ang mga tauhan mo sa NBN 4, ay dahil nakita nila ang kasuwapangan mo nung ma-delay ang kanilang sahod.

He! He! He! Ang kapal mo raw, Sir, nauna ka pang kumuha ng sahod mo sa kanila. Samantalang inabot pa ng ilang araw bago nila nakuha ang pambili ng pagkain ng kawawang pamilya nila.

Yan ba ang magsasalba sa rating ng Pangulo?

NBN 4 palang, diba talo kaagad ang rating ni PNOY?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply