Si Rhian ang bad karma ni Mo Twister

IBINIGAY na ni Mo Twister ang side niya sa hiwalayan nila ni Rhian Ramos sa Paparazzi. Hindi makatingin nang diretso sa kamera si DJ Mo habang sumasagot at parang iiyak din siya any moment dahil sa sobrang kalungkutan at pagsisisi sa mga tweets na pinakawalan niya sa Twitter tungkol sa mga ilang intimate moments ng relasyon nila ni Rhian.

Kaya siya na ang nagkusang humingi ng sorry sa aktres, sa dad nito at sa buong pamilya sa mga tweets niya na parang nagpapahiwatig na nagsama sila ni Rhian sa isang bubong.

“Hindi kami live-in ni Rhian. Kasi hindi papayag ang family niya sa ganoong set-up. Hindi lang maiwasan minsan na kailangang mag-shower si Rhian sa house ko sandali pagkagaling sa airport just to freshen up. At saka when I tweeted na ‘Please go home’, hindi literal ang ibig sabihin noon. Home is Rhian and niya.

Nagsimula ang “tweet war” nila ni Rhian nang unang nag-tweet ang aktres na nakikipagbreak na ito sa kanya. Pero dinenay ito ni Rhian at sinabing hindi raw siya ang nag-tweet nito.

Aminado si Mo, nainsulto siya sa tweet break-up ni Rhian kaya sinagot niya ang aktres. At lalo siyang nawindang nang hindi na niya makontak ang ex-GF niya sa cellphone nito dahil nagpalit na ito ng number.

“Sabi nga nila, kiss and tell ako pero ang Twitter lang ang naging outlet ko for my emotional outburst. Hindi ko na siya makontak sa cel kaya there’s no way I could express my feelings towards her kungdi by Twitter lang.

“I am feeling very lonely right now. Rhian is my bestfriend. At wala naman talaga akong mga kaibigan na masasabi. I only have her. Our love story is so great na talo pa ang ibang pelikula diyan. I really miss her!”malungkot na pahayag ni Mo.

Aminado si Mo na career ang dahilan kung bakit itinago nila ni Rhian ang one year relationship nila. Hindi kasi nakakatulong kay Rhian ang pagkakalink sa kanya lalo pa’t tinuturing siyang persona non grata ng GMA dahil sa biglaang pag-ober-da-bakod niya sa TV5, ng pagko-comment nang hindi maganda kay GMA exec Wilma Galvante. Siguro dahil sa pressure na rin sa career nito ay tinapos na ni Rhian ang pakikipagrelasyon sa kanya.

Hindi rin nakatulong ang mga intimate tweets na pinakawalan niya sa Twitter tungkol sa kanila ni Rhian kaya sigurado kami na super turn off na talaga ang aktres sa kanya ngayon.

At ang balita pa ay isinauli na ni Rhian ang lahat ng mga ibinigay niyang regalo dito noon.

Again, ang pinagmulan ng away sa relasyon nila ni Rhian ay ang Twitter na naging culprit din sa pagdedemanda ni Bulacan Mayor Patrick Meneses kay Aiko Melendez dahil sa mga nakasisirang private tweets nito sa isang kaibigan laban kay Meneses! Ang Twitter rin ang naging venue ng word  war noon nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo, Claudine Barretto at Angelica Panganiban, Pokwang & Chokoleit against Cristy Fermin na walang Twitter account.

Lumalabas na ang Twitter ang root of all evil! Kaya doon sa mga masyadong palaban at taklesa, hindi siguro advisable na mag-maintain ng isang Twitter account dahil peligroso lang ang mapapala mo dito. Kaya nga sa States, yung mga artistang nalalagay sa alanganin dahil sa controversial tweets nila ay dine-delete na lang ang kanilang Twitter accounts. Dapat siguro ay gayahin na rin ito ng ating local celebrities!

As for Mo, hindi namin alam kung makikisimpatiya kami sa kanya. Ang dami niyang ni-reveal tungkol sa kanila ni Rhian na very ungentlemanly talaga ang dating. Well, come to think of it may record na si Mo na nang-aaway ng babae. Remember ‘yung word war nila noon ni Maui Taylor? It only shows na wala talagang sinasanto si Mo kahit babae. Poor Rhian!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply