Signal no. 1 nakataas na sa S. Luzon, Visayas

ITINAAS na sa signal number 1 ang ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas makaraang makapasok na sa bansa ang tropical storm “Chedeng” (Songda) ayon sa weather bureau Martes ng Mayo 24.

Sa kanilang latest bulletin, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na bandang 4 a.m., namataan si Chedeng sa may layong 540 kilometers east ng Borongan, Eastern Samar na may lakas na hangin na 105 kilometers kada oras.

Itinaas ang signal number 1 sa Catanduanes, Sorsogon, Northern at Eastern Samar kung saan inaasahan ang pag-ulan at malakas na hangin.

Samantala, binaalaan naman ang mga nakatira sa gilid ng mga bundok at mga mababang lugar sa posibleng landslides at pagbaha.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply