Simbahan hindi aatras kontra RH Bill

NAKAHANDANG magpakulong ang matataas na pinuno ng simbahan kapalit ng kanilang ipinaglalaban kontra sa isinusulong na Reproductive Health (RH) Bill.

Sa kabila nito sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na uunahin munang maipasa ang 23-panukalang batas na napagkasunduan sa LEDAC meeting.

Ayon sa Pangulo, mas mahalaga rin sa ngayon ang panukalang pagpapaliban sa ARMM elections bago ang RH Bill.

Ito ang kanilang naging pahayag matapos ang banta ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na makukulong at sasampahan ng kasong rebelyon ang sinumang manghihikayat na suwayin ang batas.

Kasabay nito, nilinaw din ng Pangulo na hindi agad sesertipikahan ang RH Bill dahil gagawin lamang ito sa oras ng national calamity.

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng Palasyo ang RH Bill bago tuluyang isulong sa Kongreso.

Pinangunahan naman ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang Pangulong Aquino na handa silang makulong kung ito ang magiging kapalit ng kanilang mga ipinaglalaban.

Dagdag pa ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, mas makabubuti pang sundin ang batas ng Diyos kaysa sa batas ng tao.

Sa kabila naman nito, nanawagan ang dating CBCP President Archbishop Angel Lagdameo na maging mahinahon ang mga kaparian sa pagharap sa naturang isyu.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply