‘Sin tax’ bill ‘di dapat madaliin

HINDI magiging maganda kung aapurahin ang pagsusulong ng Kongreso sa “sin tax” bill.

Ito ang babala ni Batanes Rep. Henedina Abad kay Batangas Rep. Hermilando Mandanas.

Ang babala ni Abad ay kauganay ginagawang pagmamadali ng Kongreso sa pagpapataas sa ipapataw na buwis sa tobacco at alcohol.

“There is no need to rush the process. Haste may result in a tax measure that is half-baked,” ani Abad.

Bagama’t ipinarating ni Abad ang kanyang  babala, nananatili umano ang kanyang suporta kay Mandanas sa pagsusulong batas upang mapaunlad ang kasalukuyang buwis sa tobacco at makuha ang target ng gobyerno sa mataas na revenue para hindi dumanas ng fiscal crisis ang pamahalaan tungo sa kaunlaran ng bansa.

Nanindigan si Mandanas, bilang chairman ng House ways and means committee, na maipapasa ang  sin tax bill sa kanyang committee bago mag-adjourn ang Kongreso sa Hunyo.

Sinabi naman ni Abad na ang panukalang batas na isinusulong ni Mandanas ay isang consolidated version ng pitong panukalang sin tax bill na nakabinbin sa kanyang committee.

Ipinaliwang ni Abad na mayroong pitong tobacco bill na tinatalakay sa House ways and means committee at isa si Abad sa proponenet ng isa sa pitong sin tax House bills (HB 3465), “ Ang Batas na babago sa excise tax sa tobacco products at aamyenda sa ibang sections ng National Internal Revenue Code.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply