Sina Bin Laden, Strauss-Kahn at Daniel Smith

DALAWANG personalidad ang kinukulapulan ng tsismis ngayon.

Sina Osama bin Laden at International Monetary Fund Dominique Strauss-Kahn.

oOo

Itong si Bin Laden ay kolektor umano ng mga bold na pelikula. Hindi nga lang masigurado ng tsismosong si Uncle Sam kung nanonood ang matanda o hindi.

Kasi nang matiyempuhan ito, binaril na sa ulo kahit walang armas. Saka umano itinapon ang bangkay nito sa dagat sa pamamagitan ng barkong binisita ni Pnoy nitong nagdaang araw.

Hindi kaya mga lahi ni Uncle Sam ang mga aktor at aktres sa mga bold movie ni  Bin Laden?

Kasi ang mga ito ang namber wan na gumagawa nito, sa totoo lang.

Pagkatapos itsitsismis ka kung manonood ka.

Ano yan, huh?

oOo

Itong si Strauss-Kahn ay hinuli at ibinaba mula sa eroplano habang tumatakas siya sa bigong panghahalay umano sa isang taga-ayos ng silid sa Hotel Sofitel sa Amerika na kanyang tinulugan.

Nagpakita umano ito ng kamanyakan ngunit mabilis siyang isinumbong ng kanyang biktima.

At iyon na nga ang naganap, mabilis siyang hinuli at sinampahan ng demanda.

oOo

Naalaala tuloy natin ang rapist ni Uncle Sam na si Daniel Smith.

Makaraan nitong babuyin si Nicole, isang Pinay, sa Olongapo, siyempre idinemanda siya.

Sa halip na itsismis o arestuhin si Smith, gaya ng ginagawa kina Bin Laden at Strauss-Kahn, prinotektahan ito nang todo-todo ni Uncle Sam.

Nang ikinulong na si Smith sa Makati City jail sa pagiging guilty, aba, itinakas ito sa gabi at dinala sa US Embassy sa Luneta at ipinaglaban ni Uncle Sam ang pagiging inosente nito.

Doble kara si Uncle Sam sa katarungan?

Sey ninyo, Suki?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply