Sina Jennylyn at Luis na!

BAGAMA’T walang pag-amin sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano sa pagkaka-link nila ay mukhang may bahid ito ng katotohanan.

Hindi namamatay ang chism na masugid talaga na manliligaw ni Jen si Luis.

Nagsimula yan nang magkita diumano sila sa Boracay at doon nagkasama. Nauna raw dumating si Jen sa Bora at sumunod na lang si Luis.

May mga naglalabasan din ngayon na nakikita silang naggo-grocery.

Isang pagpapatunay na malakas talaga ang sex appeal ni Jennylyn sa lalaki kahit meron na siyang Alex Jazz (anak niya).

Kahit nu’ng magsama sila ni JM De Guzman sa kanyang birthday concert, nakatutunaw ang titig nito kay Jen at hindi na-control sa pagsasabing ‘grabe, ang ganda ni Jen!’

Napapansin lang namin na pag bakante siya o loveless, nagdadagsaan ang mga manliligaw niya.

Hot mama talaga siya,no?!

***

Sinusuportahan ng dating EB Babes at ngayon ay member ng Mocha Girls na si Mae dela Cerna ang RH Bill.

“Ipinaglalaban po namin ang RH Bill kasi po naniniwala kami na ang Pilipino ay kulang sa kaalaman sa tamang paraan ng pakikipag-sex at dahil dito po ay dumadami po ang nagkaka-AIDS at STD. Sa kakulangan din ng kaalaman sa sex education ay lumolobo ang populasyon natin at dumadami ang teenage pregnancy.

“PRO RH Bill po ang Mocha Girls kasi sa amin pong pag-iikot sa mga show sa probinsya isa po sa napapansin namin ay dumadami ang teenage pregnancy. Dapat talaga ituro ang  sex education lalo na po sa mga public school,” sey pa ni Mae.

Ang RH Bill ay pagbibigay sa bawat Pilipino ng tamang kaalaman sa sex at kalayaang magdesisyon sa family planning at pagbibigay ng access ng contraceptive sa bawat Pilipinong mahirap o mayaman man,” makabuluhan pa niyang turan.

Bakit mahilig siya sa sex education?

“Tulad ko po na may kapatid na nagbibinata, hindi po sila magtatanong o magpapaturo ng sex sa akin o sa magulang ko po dahil nahihiya. Dapat ay tinuturo ito sa school at dapat ang mga nagtuturo nito ay may kaalaman sa science of sex,” aniya pa.

Anyway, may birthday concert si Mocha Girl Mae sa May 24, 10 PM sa Mugen Bar, Metrowalk kasabay ng selebrasyon din ng kaarawan ni Mocha Uson. Launching  na rin ito ng  Mocha Girls as advocate for RH BILL. Sponsors nila ang GRAN MATADOR PRIMO: TAMANG SARAP TAMANG LIGHT, YELLOW TAIL WINES, JANCEN COSMETIC & SURGERY, ARYAN CONTACT LENSE, UNISILVER TIME
at RHINO HERBAL TEA.

***

Kinuha si Mae sa Mocha dahil may fan base na ito mula nang manggaling siya sa EB Babes. Ibinoto siya noon na top 2 sa EB Babes Boot Camp Training ng Eat Bulaga. At ngayon ay tinatawag na sweet sexy girl ng Mocha Girls.

“Natutuwa po ako ng sa Mocha Girls dahil nabigyan po ako ng chance na mag-act, dance and especially singing. Dati po sa EB Babes lagi lang po akong nasa likod ngayon po may sarili na akong mga PRODUCTION NUMBERS, nagpapasalamat po ako kay Mocha sa tiwalang binigay nya sa akin.”

“Part na rin po ako ng Blog ni Mocha na syang nagpa-TOP4 kay Mocha as most searched local artist sa Google,” aniya.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply