Sindikato sa DFA ibinulgar

HINILING ng mga travel agencies sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sibakin sa puwesto ang mga tiwaling empleyado na nagkikipagsabwatan sa mga fixer para magkamal ng salapi sa pagpo-proseso ng travel document.

Ayon kay Maria Paz Alberto, board member ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) at Philippine Manpower Agencies (PILMAT) na accredited sa Taiwan, na pinasok ng sindikato ang DFA Cosular Affairs Office sa Aseana Building, Paranaque City.

Ayon kay Alberto, dalawang DFA employee ang iniulat nitong nakaraang linggo na nahuling nakikipagsabwatan sa isang fixer para sa maagang release ng passports ng isang familya na magtutungo sa Hong Kong.

Nabatid na hindi na pinadaan sa tamang proseson ang mag-asawa para makuha ang kanilang pasaporte.

Dahil sa umano’y malaking halaga ng salapi bilang “grease money,” agad na sumailalim sa interbyu ang mag-asawa sa halip na makuha ang dokumento sa itinakdang araw ng DFA.

Sa pag-uusisa sinabi ng PILMAT at PTAA,  inamin umano ng nagngangalang Bernielin Samson na nagbigay sila ng “suhol” na P15,000 sa fixer upang mapadali ang pagpapalabas ng dokumento sa DFA Consular Affairs Office.

Ipinanawagan ng PILMAT sa DFA Consulat Office ang lumalalang paglaganap ng passport fixers sa Aseana building.

“The recent apprehension of two senior employees of the Department of Foreign Affairs — after they were caught red-handed dealing with passport fixers — confirms what the recruitment industry has been reporting [in] the past year that there was [a] passport syndicate operating at the DFA Consular Affairs Office in cahoots with DFA personnel,” ayon kay recruitment consultant na si Emmanuel Geslani.

Ibinulgar pa ng PILMAT na nitong nakaraang Mayo 2010 ay dumaan sa malaking problema ang DFA nang makarating sa atensyon ng asosasyon ang paglaganap ng mga fixers sa Consular Affairs Office na sumisingil ng halagang P5,000 hanggang P10,000 sa bawat aplikante.

Nitong nakalipas na taon ay ipinagkaila ng DFA ang nagaganap na katiwalian sa consular affairs office. Gayunman, kinumpirma naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Jet Ledda ang pagharang sa tamang schedule sa paglabas ng passport ng mga aplikante.

Ang Consular Affairs Office ay nagpoproseso ng 8,000 hanggang 10,000 pasaorte  bawat araw at mahigit sa 3,000 hanggang 5,000 pasaporte naman ang pinapo-proseso sa DFA ng travel agencies.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply