Singil sa kuryente ipinarerepaso ni Enrile

IGINIIT ni Senate president Juan Ponce Enrile ang pagrepaso sa antas ng singil sa kuryente.

Ayon kay Enrile, kailangang regular na suriin ang bayarin sa kuryente upang matiyak na hindi naaabuso ang publiko bagaman sa kanyang pagtaya, wala na ngayong pagsasamantala hindi gaya ng dati.

Ang joint congressional power commission o power com ang  kumikilos para busisiin ang bayarin sa kuryente gayundin ang nasabing komisyon ang guwardya ng Kongreso sa electricity industry at siya ring bantay sa implementasyon ng electric power industry reform  act o EPIRA.

Matatandaan na binusisi noon ng Senado at ang power com ang malaking bayarin sa kuryente na dulot diumano ng purchased power adjustments o PPA na resulta ng mga utang ng Napocor.

Kinuwestyon din ng power com ang pagpapasa sa consumers ng systems loss ng Meralco at natuklasan ang iba’t iba pang umanoy hindi makatwirang charges na pinabayaran sa consumers.

Gayunpaman, ang power com na pinakikilos ni Enrile ay nakatakda nang malusaw sa Hunyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply