Singil sa kuryente tataas pa -ERC

TINIYAK ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagtaas ng singil ng kuryente sa pagpasok ng mga investors sa renewable energy.

Ang pagtitiyak ay isiniwalat ng mga opisyal ng ERC sa isinagawang pagdinig ng House energy committee.

Sinabi ni ERC executive director, Francis Juan na tiyak na tataas ang singil sa kuryente kapag nakapasok sa power industry ang mga investor sa renewable energy na higit na mahal kumpara sa conventional power generated mula sa krudo, uling, tubig at natural gas .

Ayon kay Juan, lumalabas sa kanilang computation na papalo sa P17.65 kada kilowatt hour ang halaga mula sa kuryenteng nanggagaling sa ocean waves, P17.95 kada kilowatt hour mula naman sa araw o sunlight at P10.37 bawat kilowatt hour mula sa hangin.

Samantalang nasa P11 lamang kada kilowatt hour ang kasalukuyang average ng singil sa kuryente mula sa pinagsama-samang source ng krudo, uling, tubig at natural gas.

Ang mga naturang halaga ay panukala pa lamang at kailangan pang magsagawa ng public hearing hinggil dito.

Kasabay nito, inindorso ng komite ang consolidated bill na nagsusulong na mapalawig pa ng sampung taon ang power rate subsidy program para sa mga mahihirap.

Magtatapos na susunod na buwan ang bisa ng naturang program, sampung taon matapos maging epektibo ang EPIRA o Electric Power Industry Restructuring Act of 2001.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply