Sistemang asyenda pinaiiral sa ekonomiya

HALOS isang taon nang nakaupo ang pamahalaang Aquino.

At sa mga panahong ito, dapat sana’y kinakikitaan na ito ng palatandaang may kakayanang tugunin ang mga pangarap ng mamamayan lalo na sa isyu ng kahirapan.

Ang katotohanan ay kabaligtaran ang nagaganap. Palala nang palala ang gutom at kahirapan at lalo pang dumarami ang mga nagugutom at naghihirap.

Sa gitna ng ganitong kalagayan, ano-ano na ba ang mga naiisip at ginagawa ng pamahalaang Pnoy upang mabigyan man lamang ng pag-asa ang mamamayan para sa pagbabago?

oOo

May malinaw na paniniwalang tinatanganan ng pamahalaan para sa pagbabago: ang pagpapasakamay ng ekonomiyang pambansa o buhay ni Juan sa palad ng mga malalaking negosyante.

Sa pagbibigay sa mga ito ng buong kalayaan na hawakan ang mga mapagpasyang bahagi ng ekonomiya, may malilikhang mga trabaho at iba pang mapagkakakitaan ang mamamayan.

Derpor, tiyak na uunlad ang buhay ni Juan.

Subalit iba ang nagaganap sapagkat tubo, pagsasamantala at lalong pagpapayaman at hindi kapakanan ni Juan ang laman ng utak ng mga malalaking negosyante.

Kabilang sa mga malalaking negosyante ang mga may-ari o may konsesyon sa mga mall, highway, industriya ng langis at eroplano, kuryente, tubig, pagkain, materyales ng bahay, telepono at iba pa.

Hindi pakinabang kundi sumpa ang nararanasan ni Juan sa mga oil price hike, toll hike, fare hike, water at power rate hike at kontraktuwalisasyon ng mga negosyante.

oOo

Kasing tanda na ng mga asyenda ang paniniwala sa ekonomiya ng pamahalaang Pnoy at kasaysayan
na rin ang saksi sa kabiguan nito.

May naiisip na bang ibang paraan ito para malagot na ang tanikala sa gutom at kahirapan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply